Tatay, last time na kitang nakita kanina. Mamimiss kita lagi. Sana masaya ka na ngayon sa langit.
Deserve mong maging masaya dyan. Iguide mo na lang kami dito lagi. Sorry sa lahat ng nasabi ko,
sa pagiging isang bad daughter, sa hindi pag shoshow ng affection sayo. Sa mga pagkukulang ko
sa inyo, sa mga ginagawa ko na nadidisappoint kayo.Pasensya na po. :'( Alam kong masmagiging
masaya ka dyan dahil kapiling mo na si Jesus. Makakasama mo na parents mo. Natupad na ni mama
yung gusto mo tatay. Yung marching band at yung gun salute. Maraming maraming salamat sa
lahat ng ginawa mo para samin. Binigyan mo kami ng magandang buhay. Alam kong hindi enough to pero
gagawin ko lahat ng aking makakaya para maging proud ka sakin, para matulungan ko si mama chaka si
kuya. Wag kang magalala samin ha. Okay lang kami dito. Kaya namin to. Miss na kita ngayon pa lang.
Pano pa mamaya? Bukas? Lagi? :'( Mahal na mahal kita tatay. Lagi kang nasa puso ko. :">
Rest in Peace, tatay. :)
March 19, 1919 - April 10, 2012